Pages

Tuesday, February 8, 2011

For Would-be Entrepreneurs: Which is Better VAT or Non VAT?


I would like to post this query my my other blog birtaxinfo.i.ph.  For people who may have the same concerns.

Ito po ang kanyang query:


hello again and thanks..pag ba net loss ang lumabas sa income statement pinupuntahan talaga ng BIR.kakastart palang kasi ng kumpanya,last august lang.5 ang employess.sole proprietor.inaayos ko na pagpafile ng ITR.medyo nga naguguluhan ako kasi mas mlaki ang gastos sa revenue.maraming salamat sa reply.your blog helps me a lot.


nonvat ang file ko kasi nga start pa lang naman.ask ko lang sana sa opinion nyo po mas ok ba ang vat sa nonvat?last nov lang nagkabenta kaya non lang may sale.at saka ask ko rin if required kami magpasa ng 1601-E ndi naman kami umuupa sa bahay lang ang business.at yong 1601-F medyo naguguluhan din ako.paki explain naman po please.thank you - Liz


Businesses don't usually grow overnight. Ang masasabi ko lang po tulad ng experience ng kakilala ko. It took her more than a year to establish her business in her community.  Many if not all have experience the growing pains of businesses. And I am very inspired by stories of people who ventured and did not hesitate to learn from whatever problems they face. And how that determination has lead them to financial freedom. 


Tama lang po na maghanap tayo ng mga paraan sa pamamagitan ng pagtatanong para makatulong sa atin sa pag simula at pagdadala ng ating negosyo.




Kung alin ang pinaka mabuti sa pagitan ng VAT registration ba o Non Vat ay naka depende po talaga sa gross sales ng negosyo.  Kahit na po maganda man ang Non-VAT sa iba dahil 3% lang ang tax na add on sa atin produkto o serbisyo na  binebenta sa ating mga kliyente. Kapag dumating ang panahon na lumalakas na po ang negosyo ninyo at umabot po sa threshold set para sa VAT taxpayers Na 1.5M ay required at ipababago ng BIR ang inyong registration from non VAT to VAT.


Ang Non VAT ay para sa mga negosyo po na ang gross sales ay hindi tumataas sa 1.5M. Ang advantage ng VAT sa Non VAT ay meron silang Input Tax na puwede nilang ma deduct sa kanilang Output Tax.


Ang Input tax ay yun tax imposed sa VAT purchases ninyo. Ang purchases na ginawa ng kompanya ninyo ay ukol sa mga gamit o serbisyo na kinakailangan na bayaran o bilhin ng opisina ninyo para sa inyon operasyon ng inyon negosyo.


Halimbawa po bumili kayo ng Service vehicle sa isang VAT Taxpayer. Natural may 12% tax kang binayaran dito. Ang mga gamit sa inyong opisina na nabili ninyo na may VAT o mula sa isang VAT registered company. Sa madaling salita mga VAT purchases ninyo. Ang tax na na impose sa inyo ay yun ang Input tax ninyo.  Ang mga input tax na ito ay maaring ma deduct sa Output tax ninyo.


Ang Output tax po ay yun tax na na-impose naman ninyo sa inyong mga kliyente o customer. Ito po ang  12% vat na ini-impose ninyo sa inyong kliyente. At itong tax na ito ay required ninyo ma remit sa BIR. Ito po yun Output tax.


So mababawasan ninyo ang output tax ninyo sa pamamagitan ng input tax. Ito ang kaibahan sa VAT registered taxpayer sa Non VAT.  Ang Non VAT walang ganito.


Paalala lang po. Kapag umabot po ng mahigit sa 1.5M ang inyong gross sales. Required kayong magpa update ng inyong registration from Non VAT to VAT using BIR form 1905.  Take note po may kaukulang penalty po kapag hindi ninyo nasagawa agad ang update na ito.


Regarding po sa 1601-E hindi lang po ito tumutukoy sa pag upa ng isang commercial space po. It refers to a several other items nakasaad sa likod ng BIR Form 2307.  


Sa form 2307 nandun po ang mga ibang detalye liban sa upa. Ito ay ukol din sa Professional fees paid to persons like lawyers, CPAs etc. Kung saan magbibigay po kayo ng BIR Form 2307 certificate sa tax na na-withheld ninyo sa professional fees na nabayaran ninyo.


Na maaring kakailanganin ng inyong office ang serbisyo nila. Tulad din ng Technical consultants o bookkeeping agents and agencies. 


Required po kayong mag withheld ng Creditable Income taxes sa mga serbisyo na kinukuha ninyo sa mga ito. 


Ang BIR form 1601-F refers to Final Income Taxes as indicated in the said form. This refers to a number of things listed at the second page of this form. Under "Nature of Income Payment".


I would suggest that you call the BIRs Withholding Tax Division regarding this matter. That is if your business is indeed required to file this. There numbers are 926-9347 and 926-9351. I am sure they can help you out.

No comments:

Post a Comment